MENU

2024 PRESIDENTIAL AWARDS FOR FILIPINO INDIVIDUALS AND ORGANIZATIONS OVERSEAS

PAFIOO

Ipinapaalam ng Pasuguan ng Pilipinas sa Rabat na bukas na ang nomination para sa 2024 Presidential Awards for Outstanding Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) o “Gawad ng Pangulo.”

Ito ay mga parangal na binibigay ng ating Pangulo sa mga overseas Filipino workers (OFWs), mga organisasyon, at mga dayuhan na tumulong mag-taguyod ng karapatan at interes ng mga Pilipino sa ibayong dagat.

Binibigyan din ng parangal na ito ang mga OFWs na kinilala ang kahusayan at natatanging propesyonalismo sa kani-kanilang larangan.

Ang PAFIOO ay may apat na kategorya ng parangal:

Lingkod sa Kapwa Pilipino Award –  Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga indibidwal o organisasyong Pilipino sa ibang bansa para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng isang partikular na sektor/lokal na komunidad sa Pilipinas.

Banaag Award – Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga indibiduwal o organisasyong Pilipino sa ibang bansa para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa Morocco, Guinea, Mali, Mauritania, o Senegal na nakinabang at nag-sulong sa layunin at interes ng mga OFW.

Pamana ng Pilipino Award – Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga Pilipino sa ibayong dagat na, sa pamamagitan ng kanilang talento, ay nagdulot ng karangalan at pagkilala sa bansa sa pamamagitan ng kahusayan at katangian sa kani-kanilang trabaho o propesyon.

Kaanib ng Bayan Award – Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga dayuhang indibidwal o mga dayuhang organisasyon para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng Pilipinas o isang partikular na sektor/lokal na komunidad sa bansa at para sa pagsusulong ng layunin ng mga OFWs.

Ang mga alituntunin at kopya ng mga nomination forms ay matatagpuan sa facebook page at website ng Embassy, at sa https://presidentialawards.cfo.gov.ph.

Maaring mag submit ng nomination sa Philippine Embassy hanggang sa ika-30 ng Abril 2024. Para sa inyong mga katanungan, maaring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng Pasuguan o sa email address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..